Pinag-aaralan ng pamahalaan ang pagpapatupad ng Odd/Even Scheme sa mga sasakyang dumaraan sa kahabaan ng EDSA.
Layon nito na maiwasan ang pagkakaroon ng CARMAGEDDON sa EDSA sa sandaling magsimula na ang rehabilitasyon dito.
Ibig sabihin, karagdagan pa ito sa umiiral na Number Coding scheme para mabawasan ang mga sasakyang gagamit ng EDSA.
Ayon kay Transportation Secretary Vince Dizon, lahat ng mga mungkahi ay kanilang ikinukonsidera para sa kapakanan ng lahat.
Inaasahang maglalabas ng inisyal na mga detalye kaugnay ng mga gagawing hakbang ng pamahalaan sa susunod na linggo. | ulat ni Jaymark Dagala
