Naniniwala si Alyansa Para sa Bagong Pilipinas senatorial bet at Senate Majority Leader Francis Tolentino na napapanahon nang repasuhin ang batas na bumuo sa Laguna Lake Development Authority (LLDA) upang tuluyan nang malinis ang Laguna Lake.
Sa pulong balitaan sa Laguna, sinabi ni Tolentino na dapat nang silipin ang mandato ng LLDA at ang pagpapatupad nila ng kanilang mga tungkulin.
Sinabi ng reelectionist senator na madalas ireklamo ng LLDA na kulang sila sa mandato.
Si Alyansa senatorial candidate Congressman Erwin Tulfo naman ay nagsabing, bukod sa LLDA, dapat ding tumulong sa pagresolba ng problema ang mga lokal na pamahalaan.
Partikular na tinukoy ni Tulfo na dapat tiyakin ng mga LGU na mayroong maayos na sewerage system ang mga bahay o gusaling itatayo sa tabi ng lawa bago nila ito bigyan ng building permit. | ulat ni Nimfa Asuncion