Welcome kay OFW Partylist Rep. Marissa Del Mar na nagsusulong internet voting ang pagsisimula ng pre-enrollment para sa internet voting ng mga overseas Filipinos.
Ayon kay Magsino, malaking tulong ang internet voting sa ating mga OFWs at seafarers dahil tinutugunan nito ang hamon ng layo sa pagitan ng kanilang mga trabaho o tirahan at ng mga embahada o konsulado sa host country.
Gayundin, nakakatulong ito sa mga may pabago-bagong iskedyul tulad ng mga seafarer, at sa mga may limitadong galaw dahil sa trabaho.
Inaanyayahan din nito ang lahat ng overseas voters na mag-pre-enroll para sa internet voting at samantalahin ang bagong teknolohiyang ito upang maisakatuparan ang karapatang bumoto.
Opisyal nang sinimulan kahapon, Marso 20, ang pre-voting enrolment para sa internet voting ng mga rehistradong botanteng Pilipino sa ibang bansa, alinsunod sa itinakdang panuntunan ng COMELEC. | ulat ni Melany Reyes