Pinalalakas ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Trade and Industry (DTI) ang kanilang ugnayan upang suportahan ang Micro, Small, and Medium Enterprises o MSMEs.
Sa pulong na ginanap sa Makati City, tinalakay ng FDA at DTI-BSMED ang mga programang magpapadali sa pag-comply ng maliliit na negosyo sa health at safety standards.

Bilang tugon, inilabas ng FDA ang dalawang bagong Administrative Orders upang gawing mas simple ang proseso ng pagkuha ng lisensya at iba pang regulasyon.
Ang Administrative Order No. 2024-0015 ay nagpapalit sa dating panuntunan sa pagkuha ng FDA license habang ang Administrative Order No. 2024-0016 naman ay nagtatakda ng bagong iskedyul ng bayarin, upang gawing mas abot-kaya ang compliance para sa MSMEs.
Dumalo sa pagpupulong sina Dr. Irene Florentino-Fariñas ng FDA at Assistant Secretary Grace Baluyan ng DTI, kasama ang iba pang opisyal.
Nangako ang dalawang ahensya na magtutulungan upang mapabuti ang kapaligiran ng negosyo para sa maliliit na entrepreneurs sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco