Malugod na tinanggap ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang pagkakatalaga ng bagong kalihim sa ahensya na si Henry Rhoel R. Aguda.
Sa isang pahayag, sinabi ng DICT na malaki ang naging papel ni Sec. Aguda bilang Digital Infrastructure Sector Lead ng Private Sector Advisory Council (PSAC).
Kabilang dito ang pagbibigay ng mga innovative initiaved kay Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. para mapalakad ang digital infrastructure ng bansa at lumikha ng mahigit isang milyong digital na trabaho.
Kahanga-hanga rin umano ang track record ng bagong kalihim na nagsilbi sa banking industry at eksperti sa teknolohiya at digital transformation.
Makakaasa naman umano ang bagong kalihim ng buong suporta sa DICT family sa kanyang pagsisikap na maisakatuparan ang mga direktiba ni Pangulong Marcos sa digitalization, connectivity, digital inclusion, at cybersecurity. | ulat ni Merry Ann Bastasa