Nagpahayag ng suporta si House Minority Leader Marcelino Libanan sa naging desisyon ng gobyerno ng Pilipimas na makipagtulungan sa International Criminal Police Organization (Interpol) sa pagpapatupad ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Libanan na isang abogado at dating Immigration commissioner, ipinaparating nito sa international community na committed ang Pilipinas sa pagkilala sa rule of law, international legal norms, at pagtiyak na makakamit ang hustisya.
Sabi pa niya, mahalaga ang global partnership sa paglaban sa transnational crimes.
“Having firsthand experience in immigration and border security, I understand the critical role global partnerships play in combating transnational crimes, including drug trafficking and human smuggling. We must work hand in hand with international organizations like Interpol to ensure that justice is served without borders,” sabi niya.
Katunayan, maging ang Interpol aniya ay tumulong sa Pilipinas sa pagpapalakas ng border control.
Noon aniyang nasa Bureau of Immigration pa siya aty tumulong ang Interpol na mapalakas ang computer system ng ahensya.
“During my tenure at the BI, we secured P250 million worth of computer systems from Interpol. These systems significantly enhanced our capabilities, enabling immigration officers at international ports of entry to access Interpol’s global database of wanted individuals,” pagbabahagi ni Libanan.
Kinilala din ni Libanan ang mahalagang papel ng Interpol sa pagpapalakas ng international law enforcement sa pamamagitan ng information-sharing, paglalabas ng alerts, at koordinasyon tungkolsa cross-border crime-fighting operations.
Pinagtitibay din aniya ng pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa Interpol ang ating legal at institutional framework, para matiyak na sino mang indibidwal, ano man ang katayuan o posisyon, ay mapapanagot sa kinakaharap na kaso.
Diin pa niya, na ang pagkamit ng hustisya ay walang pinapanigan at dapat sumusunod sa national at international legal standards. | ulat ni Kathleen Forbes