Nananatiling normal ang sitwasyon sa iba’t ibang kalsada sa bansa, sa gitna ng umiiral na tigil pasada ng grupong Manibela na tatagal hanggang sa Miyerkules.
Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Spokesperson Atty. Ariel Inton, na base sa assessment ng Inter-agency on Tigil Pasada, walang naranasan na pag-paralisa ng public transport.
Aniya, napaghandaang mabuti ng pamahalaan ang tigil pasadang ito mula sa Libreng Sakay, hanggang sa pagpapanatili ng peace and security ng mga nagpo-protesta at mga hindi sumama sa pag-kilos.
“In coordination sa with other agencies and local government, napaghandaan iyong peaece and order situation, syempre ang lad agency jan ay ang PNP. Bakit kailangan niyan? Kasi iyong mga buma-biyahe, dati may reports na naha-harrass, wala tayong naririnig ngayon niyan.” -Atty. Inton
Maging ang pribadong sektor aniya at mga paaralan, nagpatupad ng online classes para sa kanilang mga estudyante.
“Sa kabilang banda, kinakailangan ring pangalagaan ang peace and order ng mga nagti-tigil pasada. So, isa ‘yon. Pangalawa ang Libreng Sakay, nakahanda ‘to. So far, sabi ng assessment, walang gano’ng epekto masyado.” -Atty. Inton
Sa kabila nito, ang mga Libreng Sakay aniya ng pamahalaan, mananatiling nakaantabay upang umalalay sa commuters, lalo na mamamayang rush hour, kasabay ng uwian ng mga pasahero.
“Mamayang hapon, naka-stand by pa rin ang mga Libreng Sakay, just in case ‘yung pauwi. Kasi minsan ang ibang driver, biyahe ng umaga, sa hapon, hindi. So, kailangan handa rin tayo jan.” -Atty. Inton. | ulat ni Racquel Bayan