Inatasan ng Department of Transporation (DOTr) ang pamunuan ng MRT-3 na palawigin ng isang oras ang operasyon nito sa gabi at magdadagdag ng tren tuwing peak hours.
Ito ay base sa utos ni Transportation Secretary Vince Dizon na nagsagawa ng inspeksyon sa MRT-3 kaninang umaga.
Ayon kay Dizon, plano nilang ipatupad ang extension ngayong linggo.
Kaya ang huling biyahe sa North Avenue Station ng 9:30 PM ay magiging 10:30 PM na at ang last trip na pasado alas-10 ng gabi sa Taft Avenue Station ay magiging 11 PM na.
Mula sa pag-iinspeksyon ni Dizon sa mga istasyon ng MRT-3 kaninang rush hour, ipinag-utos din nito ang pagtatayo ng walkway mula sa mga babaan ng jeep at tricycle papunta sa mga istayon ng MRT-3.
Pinadadagdagan din ang mga ilaw at pinabibilisan din ang mga pila sa linya. | ulat ni Diane Lear