Imposible ang dagdag-bawas sa botohan sa ilalim ng automated election system.
Ito ay tugon ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia sa sinabi ni Vice President Sara Duterte na posible umanong manipulahin o dagdag-bawas sa botohan sa nalalapit na 2025 elections.
Sa ambush interview sa Bangko Sentral ng Pilipinas, sinabi ni Garcia na walang basehan ang naturang alegasyon at iginiit na wala pang naitalang ganitong isyu sa anumang presinto mula nang magsimula ang automated elections noong 2010.
Tiniyak ni garcia na magiging maayos ang bilangan ng boto, pag-iimprenta ng election returns, at transmission ng resulta.
Bukod sa maraming nakabantay, marami ding paraan para mabisto kung nagkaroon ng dayaan sa automated elections. | ulat ni DK Zarate