Nagpaabot ng pakikiisa si Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation, and Unity (OPAPRU) Secretary Carlito Galvez Jr. sa mga kapatid na Muslim ngayong nagtapos na ang banal na buwan ng Ramadan o ang Eid’l-Fitr.
Sa isang pahayag, sinabi ni Galvez na sa pagtatapos ng banal na buwan na ito ng pag-aayuno, pagngingilay, gayundin ng pagsasakripisyo, maisabuhay nawa ng lahat ang mahalagang aral ng pananampalatayang Islam gaya ng pagbibigay pag-asa, kabutihan, at pagpapatawad.
Dagdag pa ng kalihim, na sa pamamagitan aniya ng pagiging mabuting halimbawa ng mga kapatid na Muslim, magsilbi sana itong inspirasyon sa iba na tumulong sa bawat isa.
Umaasa ang OPAPRU na sa okasyon na ito, mapalapit nawa ang lahat ng Muslim kay Allah, patatagin ang kanilang pananampalataya, at mapuno sila ng kapayapaan sa bawat panahon. | ulat ni Jaymark Dagala