Good news sa mga motorista at negosyanteng umaasa sa petrolyo.
Posibleng magpatupad ng rollback sa presyo ng produktong petrolyo ngayong linggo.
Ayon sa inilabas na forecast ng kumpanyang Unioil inaasahang bababa ang presyo ng gasolina ng ₱0.10 hanggang ₱0.30 kada litro.
Samantala, ang diesel ay maaaring bumaba ng ₱0.30 hanggang ₱0.40.
Una namang naglabas ng pagtaya ang Department of Energy (DOE) sa kerosene nang posibleng pagbaba ng nasa ₱0.30 hanggang ₱0.60 kada litro.
Paliwanag ng DOE, na ang rollback na ito ay dulot ng panghihina ng ekonomiya ng US at iba pang bansa, na nagpapababa ng demand.
Dagdag pa rito, may pangamba sa sobrang suplay ng langis na lalong nagpapababa sa presyo. | ulat ni Lorenz Tanjoco