Nagpatupad ang Department of Agriculture (DA) ng pansamantalang import ban sa domestic at wild birds at kanilang produkto sa Turkey sa gitna ng pagkalat ng bird flu sa mga bansa sa Europa.
Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., layon ng import ban na maprotektahan ang poultry industry ng bansa.
Nakapaloob sa memorandum order na pinirmahan ni Secretary Laurel nitong Miyerkules ang pagpapatigil sa pag-iisyu at pagproseso sa sanitary at phytosanitary import clearances para sa importasyon ng mga tinukoy na kalakal mula sa Turkey, kasabay ang direktiba na huwag papasukin ang mga produkto na kinatay o ginawa bago ang January 1 ngayon taon.
Sakop din ng pansamantalang import ban ang karne, day-old na mga sisiw, itlog at semilya na ginagamit sa artificial insemination.
Matatandaang iniulat ng mga beterinaryo mula sa Turkey sa World Organization on Animal Health noong March 5, 2o25, ang pagkalat ng H5N1 High Pathogenicity Avian Influenza sa Sarayduzu, Merkez na nakaapekto sa | ulat ni Diane Lear