Kaisa ang Office of the Presidential Adviser on Peace, Reconciliation and Unity (OPAPRU) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtataguyod ng ganap na kapayapaan sa Mindanao.
Kaya naman ngayong ika-11 anibersaryo ng makasaysayang paglagda ng Comprehensive Agreement on the Bangsamoro (CAB), nanawagan ng pagkakaisa si Presidential Peace Adviser, Secretary Carlito Galvez.
Ayon kay Galvez, ang papalapit na Parliamentary Election ay ang katuparan ng mga pangako ng CAB para sa mga Bangsamoro.
Dito aniya masusubukan ang tunay na adhikain ng nasabing kasunduan sa pamamagitan ng pagboto ng mga Bangsamoro ng kanilang magiging pinuno.
Kaya’t nagpapasalamat si Galvez sa mga stakeholder partikular na ng Moro National Liberation Front (MNLF) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa kanilang pagtugon sa panawagang pagkakaisa ng pamahalaan para matamo ang pagmatagalang kapayapaan sa rehiyon. | ulat ni Jaymark Dagala