Masasabing ‘betrayal of public trust’ ang patuloy na pagtanggi ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang pinaggamitan niya ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong siya pa ang kilihim ayon kay House Prosecutor Lorenz Defensor sa isang panayam.
Aniya, ang lantarang pagtanggi ng pangalawang pangulo na ipaliwanag ang mga kuwestiyunableng pangalang naging benepisyaryo ng P612.5 million na confidential fund ay isang paglabag sa sinumpaang niyang tungkulin.
Sabi pa ni Defensor, kung dumalo lang ang bise presidente sa mga naging pagdinig ng House Blue Ribbon Committee at naipaliwanag kung paano at kanino ginastos ang confidential at intellingence fund at hindi na sana ito nauwi pa sa impeachment case.
“And if the Department of Education as well as the OVP attended, told the truth and may be transparent in the questions of the committee, maybe this would not have reached this process…But they kept evading their answers. And until now, it seems that they still don’t have any answer. They continue to evade answering that, even the VP herself,” sabi ni Defensor.
Nitong lumutang ang tatalong panibagong pangalan na nakatanggap ng confidential fund ng DepEd.
Kapwa mga walang record ng kapanganakan, kasal o kamatayan sa database ng Philippine Statistics Authority sina “Amoy Liu,” “Fernan Amuy” at “Joug De Asim” na binansagang “Team Amoy Asim.”
Paalala ni Defensor, mayroong malinaw na panuntunan sa pag-liquidate ng confidential at intelligence fund ngunit bigo ang OVP at DepEd na maipaliwanag ang mga ito. | ulat ni Kathleen Forbes