Pinagtibay ng Philippine Coast Guard (PCG) at Australian Border Force (ABF) ang kanilang kooperasyon sa pamamagitan ng limang-araw na Maritime Leadership Program (MLP) mula ika-17 hanggang ika-21 ng Marso 2025 sa Lungsod ng Maynila.
Labing-walong opisyal at tauhan ng PCG ang lumahok sa nasabing pagsasanay na layong paunlarin ang kanilang kakayahan sa pamumuno, pagpapasya sa gitna ng krisis, at pagpapatupad ng maritime security operations.
Pinangunahan ang isinagawang MLP ng Coast Guard Staff for Education and Training o CG-12 para sa pag-develop ng susunod na henerasyon ng mga lider na handang tugunan ang masalimuot na hamon sa karagatan.
Kasama rin sa programa ang pagpapalakas ng ugnayan sa pagitan ng mga ahensya at pagbabahagi ng pinakamahusay na mga pamamaraan pagdating sa maritime law enforcement. | ulat ni EJ Lazaro