Tinanggap ng Philippine Coast Guard (PCG) ngayong araw ang donasyong M/V Amazing Grace mula sa Philippine Red Cross.
Ang M/V Amazing Grace ay magiging mahalagang asset ng PCG upang mapalakas pa ang kanilang kapasidad sa medical at humanitarian assistance, lalo na sa mga remote areas.
Magagamit din ang M/V Amazing Grace tuwing may emergency, tulad ng mga kalamidad at public health crises.
Sa isinagawang turnover ceremony ng M/V Amazing Grace sa South Harbor, Manila, ibinigay na rin ang iba pang donasyon.
Kabilang dito ang 100-unit ng Starlink mula sa SpaceX, na magagamit ng PCG upang makapagbigay ng real-time reports at tuloy-tuloy na komunikasyon sa mga isolated na lugar.
Nakatanggap din ang PCG ng dalawang Barracuda RHIBs o inflatable boats mula sa Grab Philippines matapos ang pakikipag-ugnayan ni First Lady Marie Louise Araneta-Marcos.
Dumalo sa seremonya sina Philippine Coast Guard Auxiliary Vice Admiral at First Lady Marie Louise Araneta-Marcos, PRC Chairman Richard Juico Gordon, at DFNN Executive Chairman Ramon C. Garcia Jr., na naging instrumental sa inisyatibang ito. | ulat ni DK Zarate