Nailigtas ng Philippine Coast Guard (PCG) ang anim na tripulante, habang dalawa ang nasawi matapos bumangga ang isang tugboat na may bandila ng Pilipinas at isang barko mula Panama sa karagatang sakop ng Maasim, Sarangani.
Ayon sa Philippine Coast Guard, agad silang nagpadala ng apat na rescue team para sa search and rescue operations.
Ang nasawing mga biktima ay kinilalang kapitan at oiler ng M/TUG Sadong 33.

Samantala, negatibo sa oil spill ang inisyal na pagsusuri, ngunit naglatag pa rin ng oil spill booms ang PCG bilang pag-iingat.
Iniutos naman ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gil Gavan ang agarang imbestigasyon at posibleng pagsampa ng kaso laban sa crew ng MV Universe Kiza, na siyang hinihinalang dahilan ng insidente.
Giit ng Coast Guard na patuloy ang imbestigasyon para alamin ang buong detalye ng trahedya. | ulat ni Lorenz Tanjoco
PCG
