Sinimulan na ng Supreme Court ang pagbuo ng isang Performance Development Framewrork o PDF na layuning gawing mas episyente at mabawasan ang mga backlog ng kaso sa mga korte.
Ayon sa SC, ang PDF ay makatutulong na masukat ang performance, bumuo ng standard, at best practices na pagsasamasamahin sa “playbook for high performance courts.”
Habang makatutulong din umano ito sa 4 na critical dimensions ng isang trial court kabilang na ang mga sumusunod:
• internal processes
• decision-making quality
• external stakeholder satisfaction
• at internal stakeholder engagement.
6 na korte sa 3 probinsya ang tinukoy na magsisilbing pilot court ng nasabing programa, kabilang ang Pampanga, La Union, at Cavite. | ulat ni Don King Zarate