Malaking hakbang para sa agrikultura at ekonomiya ng Pilipinas ang isinulong ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa VIV Asia 2025 at Gut Bio Balance (GBB) Probiotics Line Launch sa Bangkok, Thailand.


Isa sa mga pangunahing tagapagsalita si PEZA Director General Tereso Panga, na itinampok ang mga oportunidad sa agribusiness sector sa Pilipinas.


Pinag-usapan niya kung paano makakatulong ang innovative agricultural solutions, gaya ng produkto ng BioStar Nutri Products, upang mapalakas ang food security at kalakalan sa rehiyon.

Kasabay nito, nakipagpulong ang PEZA sa mga potensyal na Thai investors, kabilang ang isang malaking kumpanya sa canned food processing na nagbabalak magtayo ng US$18 milyong coconut milk processing plant sa Phividec Industrial Estate.
Sa kasalukuyan, may 4 agro-industrial ecozones ang PEZA na may 21 locators, na nag-aambag ng higit PhP 12 bilyong halaga ng investments at US$1.9 milyong exports para sa paglago ng agribusiness sa bansa. | ulat ni Lorenz Tanjoco