Nanatiling ‘stable’ ang banking system ng bansa dahil sa matatag na macro economic fundamentals.
Base sa pagtaya ng Fitch Ratings credit analysis, paborable ang banking business prospects ng mga banko sa bansa.
Sa katunayan, itinaas ng credit rater sa “bbb- mula sa “bb+” ang ratings ng PH banks.
Maging ang viability ratings ay itinaas din. Ayon sa Fitch Rating, ito ay dahil sa matatag na growth prospect kung saan sa kanilang pagtaya ay makakamit ang 6 % na paglago ngayong taon at sa susunod pang mga taon.
Dagdag pa nito, kahit na may mga banta at panganib sa growth momentum, nanatili itong resilient at insulated kumpara sa ibang mga ekonomiya sa rehiyon. | ulat ni Melany Reyes