Photo courtesy of Department of Finance
Pormal nang nilagdaan ng Pilipinas at Japan ang financing agreements para sa big-ticket infrastructure projects at budget support para sa health and climate initiatives ng bansa.
Ang paglagda ay isinagawa sa PH-Japan High-Level Meeting sa Manila na dinaluhan ng ilang matataas na opisyal ng gobyerno sa pangununa ni Finance Secretary Ralph Recto at senior officials ng Japan.
Kabilang sa mga proyekto na sakop ng supplemental financing agreement ang Davao Bypass Contruction Project na nagkakahalaga ng P17.67 bilyon na layong paghusayin ang mobility ng mga Dabawenyo na siya ring magtutulak sa ekonomiya ng Mindanao.
Kasama rin ang Pasig Marikina River Channel Improvement Project Phase IV, Cavite Industrial Area Flood Risk Management Project ang Climate Change Action Program, at ang Build Universal Health Care Sub Program 2.
Nagpasalamat naman si Recto sa gobyerno ng Japan sa kanilang ipinamalas na kumpiyansa at suporta sa kakayahan ng Pilipinas na isakatuparan ang mga protekto. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes