Iginiit ng isang mambabatas na hindi na sapat ang mga short term sponsorship para mas dumami pa ang ating world class na atleta gaya ni Alex Eala.
Kasabay ng pagpapa-abot ng pagbati sa masaksayang laban ni Eala sa 2025 Miami Open at pag abanse sa semis ng torneyo, sinabi ni Cong. Joel Chua, nananatiling hamon para sa Pilipinas kung paano magkakaroon ng mas marami pang Filipino tennis athletes gaya niya.
“But that small, self-sustaining environment around Alex Eala could produce only her. To produce many more like her in Philippine tennis, the effort necessary must be exponentially more.” ani Chua
At ang nakikitang solusyon ng kinatawan para dumami pa ang kampeon gaya ni Eala, Carlos Yulo at EJ Obiena, ay palakasin ang sports economy.
Imbes aniya na mga product endorsements at insentibo ay, magkaroon ng matatag na polisiya para sa larangan ng palakasan at mamuhunan sa mga programa at imprastraktura at gawing isang full-blown socioeconomic sector ang Philippine sports.
“To get to the real destination, we need more than a pedicab. We need a mass transport system for the athletes, coaches, clubs, etc. Only a sports economy approach will take us all the way to the next level.” Dagdag pa niya. | ulat ni Kathleen Forbes