Naitala sa P2 trilyong ang binayaran na utang ng Pilipinas noong 2024.
Sa pinaka-latest na datos ng Bureau of Treasury, nasa P2.020 trillion ang binayarang debt obligations ng bansa noong nakaraang taon.
Mas mataas ito ng 26 percent mula sa P1.603 trillion noong 2023.
Ayon sa datos, ang interest payment na binayaran ay nasa P763.3 bilyon kung saan P539.8 billion ay para sa domestic debt.
Kabilang na dito ang interest payments sa Treasury bills, fixed-rate Treasury bonds, retail Treasury bonds at iba pang liabilities.
Samantala, ang amortization o repayment ng loan principal ay umakyat din ng 28.92% na nagkakahalaga ng P1.257 trillion. | ulat ni Melany Valdoz Reyes