Binabantayan ng Department of Health ang patuloy na pagtaas ng kaso ng tigdas sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health, pinakamarami sa mga tinamaan ng nasabing sakit ay yung mga batang hindi bakunado.
Mula January 1 hanggang March 15, 2025, 1,185 ang nagkasakit ng tigdas.
Ito ay tumaas ng 27% kumapara noong nakaraang taon sa kaparehong panahon.
Sa 1,185 na nagkatigdas, 802 sa mga pasyente ang hindi bakunado o hindi kumpleto ang bakuna laban sa tigdas.
Muling panawagan ng DOH na pabakunahan ang mga bata, kasabay ng kasalukuyang isinasagawang catch-up immunization. | ulat ni Don King Zarate