Nanawagan ng suporta si Depadtment of Education (DepEd) Secretary Sonny Angara para sa mga “farm school” na siyang magbibigay ng ibayong edukasyon sa mga mag-aaral hinggil sa kahalagahan ng agrikultura at agribusiness sa bansa.
Ayon sa kalihim, ito ay alinsunod na rin sa hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palakasin ang sektor ng agrikultura sa layuning matamo ang Food Security para sa bansa.

Sa kaniyang pagbisita sa Bacolod City para sa makasaysayang joint management committee meeting ng DepEd at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA), sinabi ni Angara na mahalagang maaga pa lamang ay alam na ng mga kabataan kung paano pahalagahan ang lupang sakahan.
Dahil dito, sinabi ng kalihim na matuturuan din ang mga mag-aaral lalo na iyong mga nasa Senior High School na magnegosyo buhat sa pagpapalago ng naturang lupain.

Sa ilalim ng Republic Act 10618, ang mga farm school ay nagbibigay ng agricultural training, technical skills, at entrepreneurship education partikular na sa mga kanayunan. | ulat ni Jaymark Dagala
