Inatasan ng Department of Education (DepEd) ang nasa 54 na Paaralan na ibalik ang pondo para sa Senior High School Voucher Program.
Ito’y ayon kay Education Sec. Sonny Angara ay matapos makitaan ng iregularidad ang mga naturang Paaralan sa pagpapatupad ng nasabing programa.
Giit ng Kalihim, kailangang ibalik ng mga kinukuwesyong Paaralan ang pondo habang nagpapatuloy ang imbestigasyon para sa School Years 2021-2022 at 2022-2023.
Mula aniya sa 54 na Paaralan, ini-ulat ni Angara na 38 rito ay nakapag full-refund na sa Pamahalaan habang 2 Paaralan naman ang nakapagsagawa ng partial refund at 14 pa ang hindi nagbabalik ng pondo.
Kaya naman nagpalabas ang Kalihim ng final demand letters para makasunod na ang mga ito at upang maibalik na ang kabuuang Php 56 milyong pondo para sa nasabing programa. | ulat ni Jaymark Dagala