Hiniling ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre, sa House Tri-Com ng Kamara na ipa-subpoena ang META, upang ilabas ang lahat ng post ni social media influencer na si Krzt Chu.
Ayon kay Acidre, ang kanyang post hinggil sa umanoy “massive resignation” ng mga miyembro ng Philippine National Police ay base lamang sa “chismis” sa social media.
Inamin ni Chu na nakuha lamang niya ang impormasyon sa “Tiktok”.
Giit ni Acidre, ang ginawa ni Chu ay mapanganib sa national security na makakaapekto sa kaligtasan sa bansa.
Importante aniya ang accountability sa inilalabas ng mga vloggers at influencers na gaya ng mamahayag na may karampatang responsibilidad at accountability sa kanilang pagbabalita.
Tinuligsa rin ng mambabatas ang pahayag ni Chu, na hina-harass o pinatatahimik sila ng Tricom.
Matapos ang interpallation ni Acidre at ni Human Rights Committee Chair Benny Abante ay humingi ng paumanhin si Chu sa kanyang maling pahayag sa mass resignation. | ulat ni Melany Valdoz Reyes