Ipinakilala na ng Quezon City Local Government ang pinakabago nitong tourism brand na “QC MORE TO EXPLORE”
Pinangunahan mismo ni QC Mayor Joy Belmonte ang paglulunsad sa bagong tourism slogan ng LGU na nakasentro sa paanyaya sa publiko na bisitahing muli ang QC dahil marami itong mai-aalok.
Ayon sa alkalde, dumaan sa mabusising pagsasaliksik ang bagong tourism slogan na sa huli ay pinagbotohan pa ng stakeholders.
Tampok dito ang mayamang kasaysayan, kultura, at urban growth sa lungsod.
Ipinalabas din ang bagong tourism video ng LGU kung saan ipinagmalaki ang ilan sa iconic landmarks ng lungsod pati na ang mga modernong pasyalan.
Ayon sa QC LGU, ito na ang bagong yugto ng turismo sa lungsod.
Ipinasilip naman sa isang QC day tour ang ilan sa tourist spots sa lungsod gaya ng QCX, Presidential Car Museum, MiraNila Heritage House & Library, Las Casas Filipinas de Acuzar, UP Oblation sa Diliman at Maginhawa Street. | ulat ni Merry Ann Bastasa