Nakatakdang maglabas ng report ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa April 25 kaugnay ng kanilang imbestigasyon tungkol sa bumagsak na Cabagan-Sta. Maria Bridge sa Isabela.
Sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee, sinabi ni DPWH Secretary Manuel Bonoan na nitong March 18 ay bumuo na ang ahensya ng isang special committee na nagsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa insidente.
Siniguro ni Bonoan na agad nilang bibigyan ng kopya ang Senado ng magiging resulta ng imbestigasyon.
Ayon sa kalihim, iniimbestigahan nila ang lahat ng posibilidad sa pag-collapse ng tulay, kabilang na ang naging konstruksyon nito, disenyo, o kung may dumaan na sobrang bigat o overloaded. | ulat ni Nimfa Asuncion