Welcome sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ang resulta ng pinakabagong “Tugon ng Masa” survey ng OCTA Research
Ito’y makaraang maitala ng AFP ang nasa 75% trust ratings o 7 sa 10 Pilpino ang nananatiling mataas ang tiwala sa Sandatahang Lakas ng Pilipinas.
Ayon kay AFP Spokesperson, Col. Francel Margareth Padilla, patunay lamang ito na mas mataas ang tiwala ng publiko sa dedikasyon ng AFP sa kanilang misyong protektahan ang bansa, panatilin ang mataas na antas ng propesyunalismo, at transparency.
Patuloy aniya ang AFP sa pagbibigay ng tapat gayundin ay maaasahang paglilingkod para sa kapayapaan at seguridad ng bansa buhat sa external defense, disaster response, at peacekeeping initiatives.
Kasabay nito, sinabi ni Padilla na committed ang AFP na lalo pang pag-ibayuhin ang kanilang serbisyo sa pamamagitan ng pagtutok sa modernisasyon at pagsunod sa diplomatic values at pagpapalakas ng ugnayan sa publiko.
Nabatid, na isinagawa ng OCTA Research ang nabanggit na survey mula November 10-16, 2024 sa may 1,200 adult respondents. | ulat ni Jaymark Dagala