Natanggap na Office of the Solicitor General ang kopya ng resolusyon ng Korte Suprema na pinagkokomento ang respondents sa Consolidated Petition for Habeas Corpus na inihain ng magkakapatid na Duterte.
Base sa pinag-isang petisyon, hinihiling ng magkakapatid na Duterte na agad mapauwi sa Pilipinas ang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na inilipad patungong The Hague noong Martes ng gabi matapos arestuhin sa bisa ng warrant mula sa International Criminal Court.
Kinukuwestiyon din ang naging aksyon nina Executive Secretary Lucas Bersamin, DILG Secretary Jonvic Remulla, at PNP Chief Rommel Marbil sa pagpapatupad ng arrest warrant kay Duterte.
Nais din ng petisyon na ipatigil ang pakikipagtulungan pa ng gobyerno ng Pilipinas sa ICC.
Ayon kay Solicitor General Menardo Guevarra dahil weekend, sa Lunes sila magpapasa ng kanilang komento.
Kabilang sa respondent ay sina Executive Secretary Lucas Bersamin, DILG Secretary Jonvic Remulla, at PNP Chief Rommel Marbil, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, CIDG Chief Nicolas Torre III, Solicitor General Menardo Guevarra, DFA Secretary Enrique Manalo, AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr, at dating Immigration Commissioner Norman Tansingco. | ulat ni Don King Zarate