Sumaludo ang grupo ng mga mangagawa sa mga solo parents sa ginanap na pagdiriwang ng ika-7 anibersaryo ng Araw ni LaguNanay sa San Pedro, Laguna.
Ito ay bunsod ng kahanga-hangang galing ng mga solo parents na tumatayo at kumikilos ng dalawang trabaho para maitaguyod ang kanilang anak.
Ayon kay Trabaho Party-list nominee Ninai Chavez, magandang halimbawa ang programang LaguNanay, isang programang sinimulan ni Representative Ann Matibag, dahil isa itong magandang halimbawa upang maipakita ang kakayahan at kahalagahan ng mga kababaihan lalo na ngayong National Women’s Month. | ulat ni Lorenz Tanjoco