Sa pagsisimula ng pangangampanya para sa mga lokal na posisyon, hinikayat ni Senador Sherwin Gatchalian ang lahat ng mga kandidato na maging responsable sa pagtitiyak ng integridad ng halalan sa pamamagitan ng pagsunod sa pamantayan ng Commission on Elections (COMELEC).
Giit ng senador, sa pamamagitan rin nito ay mapapanatili ang kumpiyansa ng taumbayan sa eleksyon.
Nanawagan rin si Gatchalian sa kapulisan na manatiling alerto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa buong election at campaign period.
Kailangan aniyang magpatupad na ng proactive measures para masawata ang mga election-related intimidation, harassment, at iba pang uri ng karahasan.
Paalala ni Gatchalian sa lahat, pulis man o mamamayan, dapat maging mapagmatiyag, kumilos agad laban sa karahasan, at katiwalian dahil lahat tayo ay may tungkulin sa malinis na halalan. | ulat ni Nimfa Asuncion