Iginiit ni Sen. Joel Villanueva na panahon nang malantad at mapanagot ang mga indibidwal na nagpapakalat ng fake news.
Sinabi ito ng senador kasabay ng pagpapahayag ng suporta sa inisyatibo ng National Bureau of Investigation (NBI) na imbestigahan kung sino ang nagpopondo sa pagpapakalat ng mga pekeng balita at impormasyon sa social media.
Ibinahagi ni Villanueva na maging siya ay naging biktima na ng fake news at malisyosong disinformation.
Bagamat na-ireport aniya ang mga insidenteng ito ay maituturing lang na ]stop gap measure’ ang hakbang na ito.
Kaya naman sang-ayon ang mambabatas sa gagawing imbestigasyon ng NBI para matukoy ang mga mastermind, grupo o indibidwal na nagpopondo sa mga vlogger na nagpapakalat ng mga maling impormasyon.
Aminado si Villanueva na kailangan nang amyendahan ang Cybercrime Prevention Act para masaklaw at mapatawan ng parusa ang pagpapakalat ng fake news. | ulat ni Nimfa Asuncion