Nagpasalamat si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa United Arab Emirates (UAE) para sa paggawad ng clemency sa 115 na Pilipino ngayong panahon ng Ramadan at Eid al-Fitr.
Ayon kay Pimentel, ang hakbang na ito ng UAE ay maituturing na pagpapakita ng matatag na diplomatic ties at humanitarian spirit sa pagitan ng UAE at ng Pilipinas.
Aniya, ipinapakita nito ang goodwill ng UAE para sa mga Pilipino at ang kanilang commitment sa hustisya at compassion.
Kinilala rin ng Minority Leader ang consistent na humanitarian efforts ng UAE sa Pilipinas, partikular na ang naging suporta nila para sa mga naging biktima ng Bagyong Carina noong Hulyo 2024, sa pamamagitan ng UAE Embassy sa Maynila.
Nagpasalamat rin ang Minority Leader para sa patuloy na suporta ng UAE sa Filipino Muslim community, lalo na sa pamamagitan ng Ramadan Iftar Program at Eid’l Fitr Rice Distribution Program sa Marikina nitong Marso. | ulat ni Nimfa Asuncion