Hinikayat ni Senate President Chiz Escudero ang publiko na mag-subscribe sa official Viber channel ng Senate of the Philippines.
Ang Senate Viber Channel ang magsisilbing maaasahang mapagkukunan ng media at publiko ng direkta at tamang impormasyon tungkol sa mga aktibidad ng Mataas na Kapulungan, kabilang ang mga photo releases, statements, committee hearing schedules, at plenary session updates.
Ayon sa Senate President, bahagi ito ng commitment ng Mataas na Kapulungan para sa transparency at accountability.
Sinabi ni Escudero na ang Senate Viber Channel ay magsisilbing panangga o shield ng Senado laban sa mga nagkalat na fake news o misinformation sa social media.
Binigyang-diin ng senador na responsibilidad nilang bigyan ang publiko ng beripikadong impormasyon at tulungan ang ating mga kababayan na makagawa ng responsable at tamang mga desisyon.
Para makapag-subscribe sa official channel ng Senado sa Viber, hanapin lang ang “Senate of the Philippines” sa Viber app at tiyakin na ang may blue check sa gilid ang iki-click. Bottom of Form. | ulat ni Nimfa Asuncion