Humingi ng sorry si social media influencer na si Krizette Chu sa harap ng Tri-Committee ng Kamara sa pagbansag ng masamang salita laban sa gobyerno.
Sa interpelasyon ni House Human Rights Committee Benny Abante, pinuna nito ang post nito noong Disiembre 2024 kung saan binatikos nito ang gobyerno at pinagsabihan ng “bad words” sa pamimigay ng ayuda.
Inusisa ng mambabatas ang basehan o dokumentong hawak ng blogger para sabihin ang masamang salita sa kanyang social media post.
Sagot ng blogger na ibinase lamang niya umano ito sa kanyang nabasang ulat at ipinost ang kanyang galit sa social media.
Diin ni Abante, niloloko nito ang kanyang followers sa ipinapakalat na fake news. | ulat ni Melany Reyes