Itinaas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang subsistence allowance ng mga military personnel mula P150 tungo sa P300 kada araw.
Nasa P300 na kada araw ang tatanggaping subsistence allowance ng mga nasa military service mula sa dating P150.
Ang dagdag na P200 ay kasunod ng Executive Order No. 84 na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., batay na rin sa rekomendasyon ng Department of National Defense at Department of Budget and Management.
Nakasaad sa nilagdaang EO na hindi na sapat ang P150 daily subsistence allowance upang makaagapay sa araw-araw na pangangailangan ng ating mga sundalo.
Kabilang sa makakabenepisyo sa dagdag na allowance ang mga AFP officials, enlisted personnel, probationary 2nd lieutenants (2nd LTs), mga CAFGU at mga kadete.
Taong 2015 ang huling beses na nagkaroon ng adjustment sa subsistence allowance ng Hukbong Sandatahan.
Ang dagdag na allowance ay kukunin mula sa available appropriations ng AFP na nakapaloob sa General Appropriations Act of 2025. | ulat ni Alvin Baltazar