Welcome para kina Deputy Majority Leader Paolo Ortega at Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ang pinakahuling survey ng SWS kung saan lumabas na 51 percent ng mga respondent ang pabor sa pagpapanagot kay dating Pangulong Rodrigo Duterte, sa umano ay extra judicial killings (EJKs) na naganap sa war on drugs ng kaniyang administrasyon.
Ayon kay Ortega, pulso ito ng taumbayan na dapat igalang.
“It’s time to listen to the people. Huwag nating balewalain ang sigaw ng mga biktima at ng taumbayan. The message is clear: walang sinuman ang dapat na hindi nasasaklaw ng batas,” ani Ortega.
Sabi pa niya, karamihan ng mga tumututol sa pag-aresto sa dating Pangulo ay mga taga suporta niya ngunit hindi kinakatawan ang saloobin ng pangkalahatan ng mga Pilipino
“The opposition to the ICC case mostly comes from a noisy minority, amplified by internet trolls. Pero kung titingnan natin ang mas nakararami, they want answers. They want justice,” dagdag niya.
Sabi naman ni Adiong, na hindi nagsisinungaling ang mga numero at makikita sa resulta ng survey ang posisyon ng karamihan na kailangan talaga ng pananagutan.
“It’s a clear message from the people na supportive sila sa nangyayari especially dun sa, for the former President to have time to have his day in court sa ICC,” ani Adiong.
Dagdag pa niya, na mas tinitingnan ngayon ng taumbayan ang nasa 30,000 na sinasabing biktima ng EJK kaysa sa teknikalidad ng pag-aresto sa kaniya. | ulat ni Kathleen Forbes