Naglunsad ang Taguig City Government ng Project Linis upang magkaroon ng responsableng pagsasaayos ng dumi o kalat ng kanilang alagang hayop sa lahat ng pampublikong lugar sa lungsod.
Kung saan ilalagay ito sa anim na pampublikong lugar sa Taguig Eco Park, Bagumbayan, Pinagsama, New Lower Bicutan, North Signal, at Rizal na may mga pet cleaning stations na may mga disposable bags litter sand at scoopers upang hindi na magdumi ang mga kabilang pets sa nasabing mga lugar.
Ayon kay Taguig City Mayor Lani Cayetano na mahalaga ang naturang programa dahil sa kaakibat na mikrobyo at masring pamugraan ng anumang sakit.
Sa huli, hangad naman ng Mayor Lani na maging malinis at maging responsableng pet owners ang mga Taguigeño. | ulat ni AJ Ignacio