Para sa regular holiday na tatapat sa 01 Aprii (Eid’| Fitr), 09 April (Araw ng Kagitingan), 17 April (Maundy Thursday) and 18 April (Good Friday), makakatanggap ang manggagawa ng sahod na 100% kahit hindi siya pumasok.
Double pay o 200% ang kung siya ay papasok para sa 8 oras na trabaho.
Kung lalagpas pa sa 8 oras ang trabaho, ito ay mababayaran ng karagdagang 30% kada oras.
Para sa special holiday, ‘no work no pay’ maliban nalang kung may collective bargaining agreement na pagbibigay ng bayad. | ulat ni DK Zarate