Pirmado na ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Republic Act No. 12124 o ang Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act.
Ito ang batas na magpapahintulot sa mga Pilipino, lalo na sa mga working professionals, na makakuha ng college degree nang hindi na kailangang dumaan sa tradisyunal na schooling methods.
Ibig sabihin, kikilalanin ng programa ang skills at kaalaman na nakuha ng mga qualified individual mula sa formal, informal, at non-formal learning systems, work experience, at iba pang pagsasanay. Tutukuyin, ia-assess, iva-validate, at magtatalaga ng equivalent undergraduate level at special graduate programs mula sa credits ng mga ito.
Magsusulong ito ng career advancement para sa mga Pilipino.
Ang Commission on Higher Education (CHED) ang magsisilbing lead agency na magpapatupad ng batas na ito.
Para matiyak ang epektibong implementasyon ng batas, palalakasin ang Office of Programs and Standards Development (OPSD) ng CHED bilang permanenteng technical secretariat ng programa.
Pirmado ng pangulo ang batas noong Marso 3, 2025. | ulat ni Racquel Bayan