Nakukulangan si 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez sa hakbang ng social media platform na TikTok sa pagpigil sa pagkalat ng fake news at disinformation.
Ito’y may kaugnayan sa pagkalat ng maling impormasyon na pagmamay-ari ng China ang Palawan.
Sa pagdinig ng TriComm, sinabi ni Gutierrez na bagamat may mekanismo ang TikTok sa pag-alis ng mga fake news, ito kay reactionary lamang.
Giit niya na dapat proactive ang hakbang ng social media platforms sa pagbabantay at pagsala ng mga maling impormasyon.
“Mr. Chair, most respectfully, while we laud the attempts at the measures being taken by TikTok in relation to this and we appreciate the numbers that are being put forward – one issue that we have really is that anecdotally that doesn’t seem to be the case,” ani Gutierrez.
Partikular niyang tinukoy na kahit i-take down ng TikTok ang isang flagged content ay maaari pa rin itong i-upload muli gamit ang ibang account.
“For example when we talk about fake news in relation to China, when we see one video posted and it has been reported, we would see the same video posted by a different person. So that’s why I wanted to ask if – how do we ensure that a video that has been flagged for disinformation is not posted again?” sabi pa ni Gutierrez.
Ayon kay Peachy Paderna, public policy manager ng TikTok, mula July hanggang September noong nakaraang taon, nasa apat na milyong video aniya ang kanilang inalis dahil sa paglabag sa community guidelines.
Nasa 99.5% dito ay videos na na-take down proactively at sa nalalabing bilang, 98% nito ang naalis sa loob ng 24-oras matapos mai-report.
Nanawagan si Gutierrez sa TikTok na magpatupad ng mas mahigpit na mga patakaran sa pagmo-moderate ng content, kabilang ang mas agresibong pagtanggal ng mga disinformation campaign at pagpapataw ng parusa para sa mga account na paulit-ulit na nagkakalat ng fake news. | ulat ni Kathleen Jean Forbes