Hindi ramdam sa southern part ng Metro Manila ang sinasabing transport strike ng grupong Manibela.
Ayon sa mismong mga traffic enforcer sa kalsada, normal ang sitwasyon ng daloy ng mga sasakyan.
Wala ring mga stranded na pasahero silang namonitor ngayong araw.
Wala rin umanong mga kilos-protesta silang nakita na isinagawa sa lugar na kanilang binabantayan.
Partikular na nag-ikot ang Radyo Pilipinas sa lungsod ng Parañaque, Makati, at Pasay, kung saan marami pa ring mga jeep ang bumibiyahe at walang tumpok ng mga pasaherong nahihirapang sumakay. | ulat ni Lorenz Tanjoco