Binigyang-diin ni Rep. Johnny Pimentel ang matinding banta ng fake news at disinformation sa demokrasya at lipunan.
Ayon kay Cong. Pimentel, hindi na biro ito dahil napakalaganap na ang fake news at tinawag itong sagad na at walang pakundangan sa mga taong responsable sa pagpapakalat nito.
Ayon sa kaniya, layunin ng pagdinig na siyasatin ang mga mekanismong nagpapalaganap ng maling impormasyon — mula sa social media algorithms hanggang sa mga indibiduwal o grupo na sadyang gumagawa at nagpapalaganap ng pekeng balita.
Kasama rin sa tatalakayin ang pananagutan ng technology companies at ahensya ng gobyerno sa pagsugpo ng problema.
Hinikayat ni Rep. Pimentel ang lahat ng kalahok sa pagdinig na maging bukas ang isipan at magtulungan upang masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa maling impormasyon. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes