Tinalo ni Alexandra “Alex” Eala ang world number 2 at multiple grand slam champion na si Iga Swiatek ng Poland, six two seven five para makaabante sa Semifinals ng torneyo na classified bilang WTA 1000 professional tennis event.
Si Eala ang unang Pilipino na tumalo sa tatlong grand slam champions matapos ang kanyang naunang tagumpay konntra Jelena Ostapenko at Madison Keys.
Susunod na makakaharap ni Eala ang mananaig sa quarterfinals match sa pagitan nina Emma Raducanu at Jessica Pegula na magsisimula mamayang 7 AM Philippine time. | ulat ni Aaron Bayato | RP2 Sports