Patuloy ang pagsasagawa ng Ugnayan sa Kababaihan sa mga barangay sa lungsod, bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng mga Kababaihan.
Sa pangunguna ito ng Muntinlupa Gender and Development Office na pinamumunuan ni Mr. Reggie Salonga, kasama si GAD Focal Point System Chairperson Mrs. Trina Biazon.

Layunin ng programa na bigyan ng tamang impormasyon ang mga kababaihan ukol sa kanilang mga karapatan.
Tinatalakay din ang mga proyekto o programa na handog ng Pamahalaang Lungsod para sa mga Muntinlupeño.

Mayroon ding talakayan tungkol sa issues at concerns ng bawat community, at mga programa at kursong alok ng Muntinlupa City Technical Institute. | ulat ni Lorenz Tanjoco