Nagkita sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at US Secretary of Defense Pete Hegseth na nag-iikot ngayon sa Asya kung saan ay unang binisita nito ay ang Pilipinas.
Sinabi ng Pangulo na itinuturing niyang isang mahalagang mensahe ang pagbisita ni US Defense Secretary Hegseth sa bansa lalo’t inuna pa nito ang Pilipinas sa kaniyang pupuntahang nasyon sa rehiyon.
Pagpapakita aniya ito, sabi ng Pangulo, ng matibay na pangako ng Pilipinas at Amerika na patuloy na magtulungan upang mapanatili ang kapayapaan sa Indo-Pacific Region lalo na sa South China Sea.
Inihayag ng Chief Executive na itinuturing ng Pilipinas na mahalaga ang pagpunta sa bansa ni Hegseth at ito’y sa gitna ng tinatahak na masalimuot na sitwasyon kung pag-uusapan ay geopolitics. | ulat ni Alvin Baltazar