Nakipagpulong si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. sa World Bank para sa pag-review sa progreso at mga pangunahing aspeto sa isinusulong na sustainable agriculture sa Pilipinas.
Sa ginanap na pulong, tiniyak ng World Bank ang pangako para lagdaan ang USD$1-billion na Philippine Sustainable Agricultural Transformation (PSAT) loan program.
Planong lagdaan ang kontrata sa Hulyo, kasabay ng ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Ang limang taong PSAT na inisyatiba ay target na ilunsad sa Agosto, para mapalakas ang agri-fishery sector.
Bilang pangunahing proyekto sa ilalim ng Program-for-Results (PforR) financing framework ng Wolrd Bank, layon ng PSAT na mapahusay ang pagiging epektibo sa paggastos ng gobyerno.
Habang sinisiguro ang pagpapanatili sa resulta nito para sa pagtatatag ng institutional capacity at pagpapalakas sa implementasyon nito.
Natalakay din ang Technical Assistance for Sustainable Agricultural Transformation (TASAT), isang US$15-million grant na pinondohan ng United Kingdom. | ulat ni Rey Ferrer