Lumapit na sa Departament of Labor and Employment (DOLE) ang University of Santo Tomas (UST) faculty union para makuha na ang backpay na ₱220 milyon.
Nasa 4 na taon na kasi itong delay o hindi naibibigay ng UST administration.
Ayon kay Prof. Emerito Gonzales, ang presidente ng UST faculty union, taon-taon dapat ibinibigay ang kanilang backpay.
Apektado dito ang 1900 na teaching staff kabilang na ang 1400 na faculty member.
Nitong marso pinatawag ng commission on higher education ang UST administration para linawin ang nasabing issue.
Samantala, apela din ng UST faculty union sa UST na maupdate na rin ang kanilang hospitalizations confinement benefits na hindi nagimprove mula pa noong 1998. | ulat ni DK Zarate